Nakakahiyang magtanong. Nakakahiyang humingi ng tulong. Ang hirap naman. Kaya ko na bang hindi mahiya?
I'm shy to ask questions. I'm shy to ask for help. Oh, this is too hard. Will I be able to overcome my shyness?
I'm shy to ask questions. I'm shy to ask for help. Oh, this is too hard. Will I be able to overcome my shyness?
Hiya? Takot? Ano nga kaya ang tunay na dahilan kung bakit ang isang tao ay nahihiya?
Normal na mahiya ang isang tao sa maraming kadahilanan, maaaring mababa ang tiwala sa sarili, takot na magkamali o kaya naman ay takot na mapulaan ng ibang tao.
Sa kuwentong Hiya ni Liza Flores ay nagpapamalas ng damdamin ang isang munting bata na may labis na hiya ngunit sa bandang huli ay napagtagumpayan niya rin ito.
Kakaiba at nangungusap ang mga larawan ng kuwentong pambatang ito kung saan ramdam ang pangamba ng bata sa simula at di lumaon ay napalitan ng saya nang nagkaroon siya ng lakas ng loob na manghiram ng gamit at makisalamuha sa kanyang mga kaklase. Kaya ko pala! Mas masaya kapag naipapahayag ang nasa sa loob na damdamin. Hindi dapat mahiya o walang dahilan na mahiya basta laging handa at ikaw ay nasa tama.
ISBN: 9789715089685
Published: 2023
Language: Filipino
Age Recommendation: 7+
Published: 2023
Language: Filipino
Age Recommendation: 7+